——————————————————————–
By: Kiko
Episode: 2
——————————————————————–

“Malalate na tayo, dalian ninyo!” pagmamadaling tugon ni mommy sa mga katulong, graduation na kasi ni kuya sa college at isang oras pa kaming magbyabyahi papuntang school nila kung saan gaganapin ang Graduation rites. Kunting pulbo at suklay ni yaya at ayon ok na “Ang cute talaga ng Bunso ko” Pinipisil ni mommy ang pisngi ko, pero kahit masakit ang pagkakapisil niya di ko nalang pinansin. Unang beses ko palang kasing nakita si mommy nasisiyahan di ko alam parang proud na proud siya na ang kuya ay graduate na. “Dalian natin baby ha kasi daddy is waiting outside” hanggang sa pagbaba namin ay di parin mawala kay mommy ang pananabik kay kuya.

Sa kotse

“Kuya Josh, buckle up your seatbelt.” Paalala ni daddy habang nakalingon sa akin, naupo kasi ako sa may backseat ng kotse at kahit 6 years old pa lang ako eh alam ko na kung papaano magseatbelt and I owe it all to kuya. Kuya rin tawag ni daddy sa akin, ewan ko pero nakasanayan ko narin yun.

“Hon pagkatapos ng graduation, ano ba ang surprise gift mo kay Jonathan” tanong ni daddy mukhang excited rin sa kung ano ang desisyon ni mommy.

“Hon, how about out of the country tapos he can bring in three of his friends?”

“Sure hon, where do you want our son to go?”

“Singapore, Hongkong, New York, Europe kahit saan, basta ba’y masiyahan si Jonathan”

Nagpatuloy sa pag-uusap sila mommy at daddy at ako naman ay patuloy sa panunuod sa mga punong nagsitakbuhan mula sa bintana ng kotse namin. Wala din kasi akong macomment sa pinag-usapan nila kaya inienjoy ko nalang ang panunuod sa kung anong makita ko mula sa aking kinauupuan. Akala ko ay hindi na kalian man magwawakas ang masayang tagpong iyon ngunit kagaya ng napapanuod ko sa TV ay may hangganan din pala. Isang malakas na busina ng kotse namin ang aking narinig masyadong mabilis ang mga pangyayari. Nabundol pala ni Daddy ang motorsiklo ng dalawang magnanakaw na kasalukuyang hinahabol ng mga pulis habang papaliko ito kung saan sana kami dadaan.

Napahinto si Daddy upang iwasan ang putukang nangyayari, ngunit isa halip na makaiwas eh napagitna pa kaming lubusan sa sagupaan. Para akong nanunuod ng action sa TV pero napagtanto ko na pwede rin kaming mapahamak sa aming kalagayan. Sunod sunod na putukan ang aking narinig, magkahalong takot, kaba at sindak ang aking naramdaman.

Tinatakpan ako nila mommy at daddy ng biglang may tumulong dugo sa mukha ko. Nagsisigaw ako sa takot kasi alam kong may natamaan sa isa sa kanila, ngunit di parin nila ako binibitawan sa pagkakatakip. Hanggang tuluyan nang naglaho ang aking kamalayan.

——————————————————————–

Naalala ko na naman kung paano kami naulila ni kuya Jonathan at ang masaklap pa noon ay sa harap ko pa sila pinaslang. Sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay gayun din ang paglalaro ng aking isipan tungkol sa nangyari sa kanila. Minsan nga din a ako nakakatulog at tanging ang hele nalang ni kuya ang nagpapagaan nang aking kaluuban, teka, oo nga saan nga pala si Kuya?

“KUYAAAAAAAAAAAAAAAA” sigaw ko, nagising akong bigla sa isang kwartong di ko pamilyar. Kinapa ko ang aking eye glasses at tumbok nasa tabi ko ang habang suot-suot ko ang basag na eye glasses ko ay napatingin ako sa paligid ng kwarto. Nilibot ko ng tingin at pinagmasdan ang mga Snoopy stuff toys na naka arrange sa gilid ng medium size na kama kung saan naman ako nakahiga kani-kanina lang. “Di halatang Snoopy ang favorite character ng may-ari ng kwartong to ah” pagmamasid ko sa utak lang. Ngunit pagkagayon pa man ay nandoon pa rin ang kaba sa aking dibdib. Di ko parin kasi alam kung nasaan ako, maya-maya’y bumukas ang pinto at nakita ko naman ang batang babaing nakilala ko kanina. Magtatanong n asana ako ng inaninag na naman niya ang mala-anghel niyang ngiti at naloko na nalimutan ko na naman ang tanong ko. Nagmadaling lumabas ang bata at iniwan akong nakanganga sa gulat at pagkabighani sa kanya.

Tatayo na sana ako ng bigla naman siyang bumalik at may kasama na. “Look! Ate, gising na siya. Gising na ang Ace ko.”

Itutuloy……………………………………

Ace of Hearts [1]

Posted: 14/09/2010 in Series

———————————————————————————————-

by: KIKO

EPISODE 1

———————————————————————————————–

“Hoy! Bata bat ka ba umiiyak?” Tila munting himig ng isang anghel ang tinig na nagtatanong sa likoran ko, ngunit sa tindi ng sakit na aking naramdaman di ko man lang ito pinansin at patuoy parin sa pag-iyak, ano ba ang inaasahan mo sa isang batang nabully.

“Hoy, tumigil ka na nga dyan, para ka namang damulag na umiiyak.” Kahit ba nang-aasar eh napaka hinhin parin ng boses mistulang di makabasag pinggan.  Piniklit ko siya tingnan ngunit dahil waa akong suot na salamin eh di ko siya masyadong naaninag “Di kita makita.”

“Ngek, bulag ka pala” mistulang napahiya ang dalagita sa inasal.

“Hindi, di ko lang suot salamin ko” paliwanag ko habang naghihikbi parin sa kirot at sakit ng mukha at katawan.

“Nako, may dugo yung lips mo” biglang nataranta at kinuha ang panyong ibinigay nya kanina, di ko rin kasi nagamit kasi nahihiya akong madungisan ito. Pinahid nya ang puting panyo sa nagdurogong labi.

Nagpanik naman ako nang sabihin niyang dugoan ang labi ko, natatakot kasi ako sa dugo, di ako mapakali ng tuluyan kong hinawakan ang labi ko, kahit di ko siya masyadong nakita pero alam kong dugo yun kasi pula.

“Hahahahaa, ayan iiyak nayang tuluyan, bakla talaga.” Pang-aasar ni Edward isa sa mga dahilan kung bakit ako duguan at ang kumuha ng aking salamin. “Hahaha, ngayon ko lang alam na pwede din palang maging four-eyed ang mga bakla”

“Hoy! nakakaluko na kayo ah! Suntukan nalang kaya tayo” sigaw ng bata tila nasasaktan narin sa mga pasaring sa akin ni Edward.

“At sino naman tong bubwit nato?” napalingon si Edward sa kanyang mga kasama habang manghang mangha sa katapangan ng bata. “bakit ha, Gusto mo rin bang masaktan” panakot niya baka umalis.

“Ah ganun, pumapatol din kayo sa babae, eh kayo naman pala itong mga bakla eh.” panghahamon niya di man lang natakot sa banta ni Edward. “Ano subukan niya lang makalapit at magasgas tong katawan ko at sa kurte na tayo nagkita-kita tandaan mo talaga yan isusumbong kita sa Daddy ko lawyer yun, Physical injury talaga ihahain kong kaso sayo tapos child abuse pa para bitay tuloy mo.”

“Pare hali ka na parang di ko ata gustong makulong ten years old palang ako.” nanginginig na tinig ng isang batang kasama ni Edward. “OO nga pare, di ko na kayo yun magagalit nanay ko”.

Nakinig naman sa payo si Edward at tumakbong sumisigaw ng “Tandaan niyo babalik din kami.”

“Hahaha mga duwag.”

Pinulot ng bata ang Eye Glasses ko “Mukhang nabasag ata” naitapon kasi ni Edward sa may bench na gawa sa semento kaya nagkaroon ng kunting biyak. “Mukhang ito yung dahilan ng pag-iyak mo, eto na eye glassses mo o”

Kinuha ko lang ang Eye Glasses ko di ko kasi alam kung ano ang sasabihin. Di naman nakatiis ang bata at nagpakilala.

“I’m Trisha, and you are?” habang inaabot niya ang kanyang kamay upang makipagkamay. Di ko pa rin pinansin si Trisha dun ako nakatingin sa eye Glasses ko “Patay talaga ako ni Kuya nito.” ang nasabi ko lang sa isip ko

“Huwag kang matakot, di naman talaga totoo yung mga sinasabi ko kanina di ko nga alam yung Physical Injury na yun eh, nakita ko lang sa TV. Pero my dad is reay a lawyer.” Sabik parin siayng kamayan ako kahit inabutan na siya nang pangannalay ng kamay. “Well kung ayaw mo” napahiya siguro kaya kinuha nalang ulit ang kamay ” i’ll just give you a new name.” Di parin ako umiimik pilit inuusisa ang eye glasses ko.

“That’s right your ACE just like my little puppy, wait” pinatango ako ni Trisha parang gustong tingnan ang mga labi ko kung nagdurogo pa ba. “Naku it’s still bleeding” (SMACK).

Bigla akong kinabahan, di ko napagtanto ang mga pangyayari, natumba nalang ako at napanganga sa ginawa niya. “O bat ka natulala? Sabi kasi ni mommy mawawala daw yung dugo if you kiss it, maniwala ka sa kanya, doctor kasi mama ko.” she explain pero di ko parin lubos maisip ang mga pangyayari kanina lang ang sakit ng lips ko pero ngayon mas malakas pa ang kabog ng dibdib ko keysa kahit anong pasa sa aking katawan. Parang lahat ng dugo koy nagsitakbuhan sa gitna, gustong lumabas, para tuloy akong magkakafever. At biglang…..

“Ah, nako po, hinimatay si ACE”

Itutuloy……………………

Posted: 14/09/2010 in Uncategorized


Get Your Own Free Hypster.com Playlist.

Mp3Raid music code

Posted: 09/09/2010 in MP3

Iiyak Nalang – CalzadaKiko

——————————————————————————————–

“Basa na ako pero ok lang kasi wala naman sigurong papansin sa akin dito” paghihikbing sambit ni Kim habang nakahandusay sa damohan. Di niya alintana ang basang katawan na dulot ng ulan. Tinatakpan ang mga mata na animo’y natatakot makita ng iba ang mga luhang marahang dumudulas sa kanyang mga pisngi. “Sarap talaga pag-umuulan sumasabay ang langit sa sakit na aking tinatamasa, Hay buhay…”

Kahit umaambon na lamang ay di parin kumilos si Kim na ngayo’y nakatitig na lang sa mga ulap na gumagalaw at bahagyang nawawala. Ngunit ang liwanag na umaaninag sa kanyang kamalayan ay biglang nawala dahil sa payong na biglang tumakip sa kanya”Andito ka lang pala, Umiiyak ka na naman ba?” Nag-aalalang tanong ni Ian habang inaabot ang isang kamay ng kakambal upang patayuin. “Isang buwan ka nang wala sa sarili mo ah, gusto mo bang magpakamatay?” pagdadambog ni Ian. “Kung pwede lang sana tol, kung pwede eh sana pulmonyahin ako at mamatay sa kakaubo kundi kayay biglang kumidlat at matamaan ako basta ba’y mawala na ako” sambit ni Kim habang unti-unti na namang tumutulo ang mga luha sa mata.”Di ka talaga nauubusan ng luha no, tara na nga para makapagpalit ka na ng damit”.

Akbay-akbay ni Ian ang kapatid na tulala parin at parang wala sa sarili, inaalalayan ito sa paglakad. Nang makaabot na sila ng bahay ay tumongo na si Kim sa banyo upang makapagligo habang dumiritso naman si Ian sa kusina upang magluto ng sopas. Matapos magbihis ni kim ay dali-dai itong lumabas at inungo ang kubo sa ikod ng kanilang bahay upang pagmasdan na naman ang ulan.Tinungo rin ni Ian ang kubo bitbit ang handang sopas na niluto niya.

“O, eto, sopas upang mainitan naman yang sikmura mo at makapag-isip ka ng maayos.”

“Alam mo tol, She loves the rain, sabi pa nga niya kung iiyak ka sumulong ka lang daw sa ulan kasi iiyak din ito para sa iyo. Kaya nga gustong-gusto niya ang maging ulan to comfort someone who cries and then she could cry with her to ease the pain.” at tumulo ulit ang mga luha na parang kanina pang sabik na sabik na lumabas sa kanyang mga mata.

“O, ayan ka na naman, tahan na nga” sambit ni Ian habang hinihimas ang klaiwang balikat ni Kim. “Tol alam kong masakit pero kailangan mo nang magmove on, eh nag-aalala na ako sa iyo eh kasi pati pag-aaral mo eh naapektuhan, tapos parati ka nalang wala sa sarili, baka matuloyan ka na niyan, di ko kayang mag-alaga ng baliw tol” pabirong hirit ni Ian.

“Tol! Move on?” nang-uuyam na bulyaw ni Kim, “Paano ako makakamove on tol kung tuwing umuulan naaalala ko siya, Alam mo ba kung gaano ka hirap? Alam mo ba kung gaano ka sakit? ”

“Corny mo tol” pang-aasar ni Ian habang binatukan sa ulo ang kakambal. “Tumigil ka nga dyan alam mo naman bi da na kahit anong gawin mong panliligaw sa babaing yun eh hanggang friends lang talga turing niya sa iyo. Kaya nahihirapan ka kasi di mo tanggap na hanggang ganoon lang feelings niya sa’yo.”

“Anong friends lang? parang wala naman siyang sinasabi ah, and we act like real lovers.” pagdidipensa ni Kim. “Friends lang ba yung sinusundo mo siya afetr school niya, you always dated amost everynight, you have terms of endearment for each other, she shares her problem and i share mine, eh friends ba tawag mo dun?”

“Eh, kung ganyan pala status ng relationship nyo eh ba’t pa siya nagpapaligaw sa iba, at worst sa harap mo pa pinasagot ang suitor niya? and look at this di lang isang beses ginawa ang ganoong paraan nasundan pa ng pangalawang suitor, pangatlo, at ngayon pangpito na. What the hell Dude! ang laki mong tanga.”

Unti-unti na namang pumatak ang mga luha ni Kim, di niya napigilan ang mga iyon, di dahil sa sakit na naramdaman niya, ngunit sa pagkakaunawa niya sa mga sinabi ng kakambal. Napatigil sandali sa pagtatangol sa sarili dahil alam niya na ilang beses narin siyang nasaktan at paulit-ulit nalang. Pero di parin malinaw sa kanya ang lahat, dahil di parin niya tanggap ang lahat. Di niya alam kung ano ang gagawin, asiwa dahil di niya tanggap sa sarili na ang ahat nang ginawa niya for the past seven years ay baliwala pa rin sa napupusoan. “Siguro tol i haven’t done my best pa, or maybe i still have to wait a little longer, what do you think?”

“My God why have you given me a twin who’s a total dumb ass. Look tol, if you want to be happy SET HER FREE, wag ka nang maghintay ng pangwalong pagkakataong pagdradrama mo dahil parin sa katangahan mo sa babaing yun. Time to give up tol, its your best option. And Its really really stupid to wait for her again, kasi you have given it your all tapos she still haven’t seen your worth.”

Sa ganung paliwanag napukaw ang kaluoban ni Kim. “Am i that dumb?” tanong ni Kim sa sarili. “Di ko yata matatangap yun ah. Pero even if that’s the case di ko parin nakikita ang sarili ko to be afar from her.” “Do I have any choices tol? kasi parang mahirap ata yun.”

“Hay nako, mas nahihirapan ka pang umiwas sa kanya kay sa masaktan ng paulit-ulit.” naiiritang sigaw ni Ian. “Nako tol ha, ayusin mo yang utak mo nadislocate na naman. Di ko lubos maisip tol ganyan ka na pala kalala pero sabagay kahit noong pangatlong beses ka pa niyang ginagao di mo parin yun naisip eh ngayon pa ba kaya.”

“Tol naman, help me.” nagamamakaawa na ang binata.

“How can i help you, when your not even helping yourself. At saka wag ka ngang martyr alam mo bang suicidal ang mga taong yan. Just MOve On.”